Saturday, July 12, 2008

PITONG PU'T ISANG PANGARAP


P umila at naghintay na sisimulan
I ndak ng musika at sigaw ay …WOWOWEE..
T uloy ang ligaya …”rain or shine” ‘ika nga
U no-dos-tres…ang sigaw ng tulakan
M ay umalma...naipit at umaray!
P ero di pinansin ang lahat basta makapasok
O o…. pumasok sa Ultra at sumali sa gameshow

A t ipitan sa pila ay hindi ininda
T umayo, umupo, umihi, at doon na humiga

I sang umaga, ika apat ng Pebreo
S adyang napakalupit ng tadhana,
A ng pitumpo’t isang tao ay nasawi
N g madaganan ng kapwa sa pila dahil ng “stampede”
G unitain natin at parang panaginip lang

P atuloy ang bilang ng nadisgrasya
A ng nangyari ay sasagutin ng kaukulan
N awala ang maraming pag-asa
G alit ba ang kalikasan sa bayan natin?
A t kinuha ang buhay sa ganitong paraan
R asyon at tulong ay dumarating nguni’t….
P itong po’t isang pangarap ay sumakabilang buhay na!

:
Tribute to 71 persons who died in Ultra Stampede
During the supposed Wowowee One Year Anniversary
Date of Accident : February 04, 2006
:

No comments: