Thursday, June 11, 2009

TONI

Sinusuri ang lahat na gawain
Ang lahat ay nasa tamang kaayusin
Mga kagandahan at bulaklak ay nakipagtagisan
Marami pa ang nakakita at silay inimbita
Oo, ito ay para sa lahat na tumatangkilik

Lakarin at sikapin ang kaluwalhatian
Lahat na mga kaibigan inanyayahan
Makipagsapalaran sa lahat ng biyaya
Panaginip noon ngunit ngayon ay totoo

Mga papuri at pag-ibig ng pamilya
Ibon man ay kumankanta sa himig ng langit

Dalhin ang mga nota sa nakikinig
Naparinggan kahit ang katahimikan
Anggulo ng selebrasyon sa buong kapulongan
Kuwento ng Kasakitan ay hindi iisipin
Himig ng puso ay mapatnubayan
Napakalalim na babala sa lahat na panaginip
Magdasal palagi at lumuhod sa may-poon
Ang kabataan noon ay may kabanalan

Takipsilim ay kumikinang sa tanang araw
Sa pagpupulong na ito Diyos ang may akda
Siya ang nagbibigay ng lakas at biyaya
Sa lahat na daanan maraming grasya ang naghintay

Maligayang kaarawan at Purihin Ang May Kapal!

No comments: